Vin d’honneur inisnab ng mga mahistrado

INISNAB ni Chief Justice Renato Corona at kanyang mga mahistrado ang tradisyonal na vin d’ honneur o New Year’s reception sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, hindi naman puwedeng ikatwiran ng grupo ni Corona na hindi sila inimbitahan sa nasabing okasyon dahil ang mga ito ang pinakaunang pinadalhan ng imbitasyon.

Kabilang sa mga namataang lider na nagpunta, maliban sa diplomatic community, sina Speaker Sonny Belmonte at Senate Pres. Juan Ponce Enrile bilang bahagi ng pagsalubong sa bagong taon.

Sa talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III, pinatamaan nito ang mga tiwali at kalaban ng estado ngayong 2012 na may paglalagyan ang mga ito.

Binigyang diin nito na hindi sila titigil hangga’t hindi napananagot ang mga nagkasala sa bayan.

Bukod dito, dapat na aniyang asahan ang pagpapalakas pa sa mga mahahalagang programang magpapaangat sa kabuhayan ng mga Pilipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply