Vintage bomb sumabog sa Bicutan, 2 utas

PATAY ang dalawa katao, habang sugatan ang tatlong iba pa nang sumabog ang isang vintage bomb sa Lower Bicutan, ngayong hapon.

Sa imbestigasyon ng SWAT team, nagsasagawa ng paghuhukay ang mga biktima sa lugar nang makita ang nasabing bomba.

Sa pag-aakalang mapapakinabangan ay winelding iyon ng mga biktima subalit biglang sumambulat.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga namatay habang patuloy na ginagamot ang mga sugatan.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply