Vizconde matatagalan pa bago tumestigo

MATATAGALAN pa bago maisalang bilang testigo si Ginoong Lauro Vizconde laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosekusyon, na si Vizconde ang pangunahing testigo para sa Article 3 ng Impeachment.

Ayon kay Quimbo, matagal ding niligawan ng prosekusyon si Vizconde bago ito napapayag na tumestigo laban sa punong mahistrado.

Anang kongresista, sina CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna at Kaka Bag-ao ng Akbayan Party-list, parehong miyembro ng 11-man prosecution panel, ang matiyagang kumausap at nagpaliwanag kay Vizconde.

Nagdadalawang-isip umano si Vizconde na tumestigo dahil sa utang na loob nito kay Corona matapos itong hindi pumabor kay Hubert Webb.

Paliwanag pa ni Quimbo na sa nakatakdang pagtestigo ni Vizconde ay lalong lumiliit ang mundo ni Corona dahil sa malinaw na paglabag umano ito sa serious breach of the rule of confidentiality.

Ayon naman kay Deputy Speaker Erin Tañada, para sa article 3 ang testimonya ni Vizconde habang unang isasalang ay ang articles 2,1 at 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply