Vizconde tetestigo vs Corona

NAKAHANDANG tumestigo si Ginoong Lauro Vizconde laban kay Chief Justice Renato Corona kaugnay ng naging pulong nila noong Setyembre 2010.

Naunang ibinunyag ni Vizconde na sa kanya mismo sinabi ni Corona ang tungkol sa umano’y pambabraso ni Justice Antonio Carpio para mapalaya ang mga akusado sa Vizconde massacre.

Taliwas ito sa pahayag ni Corona na nabigla siya nang dumating si Vizconde kasama si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Dante Jimenez para sa courtesy call.

Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of Lawyers of the Philippines (NULP), isang paglabag sa ethics at rules of court  ang pakikipag-usap ng isang huwes sa sinumang nasasangkot sa kaso habang mayroon pang pagdinig.

Sinabi pa ni Vizconde na nakahanda siyang isiwalat ang buong katotohan kaugnay sa nagaganap na korapsyon sa Supreme Court. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply