VMMC: GMA hindi kailangang operahan ulit

HINDI na mangangailangan pa ng panibagong operasyon si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang nilinaw ng pamunuan ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kasunod ng ulat na sasailalim daw muli sa isa na namang operasyon si GMA.

Ayon kay Dr. Nona Legaspi, director ng VMMC, nasa maayos na estado na ang kalusugan ni Arroyo at sa katunayan ay lumalakas na ito.

Nakakalabas umano si Arroyo sa kanyang kuwarto para magpaaraw na kinakailangan nito upang maayos ang kanyang calcium deficiency.

Batay aniya sa monitoring ng kanilang mga doktor sa dating Pangulo, wala na raw itong active medical problem hindi tulad noong unang linggo ng hospital arrest nito.

Bunsod nito, sinabi ni Legaspi na walang anumang rekomendasyon ang kanilang medical team para sa panibagong operasyon kay GMA.

Kinumpirma naman ni Legaspi na madalas na bumibisita sa VMMC ang doktor ni GMA mula sa St. Luke’s Medical Center.

Si Arroyo ay nananatili sa VMMC mula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon matapos makasuhan ng electoral sabotage sa Pasay RTC. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply