Voters registration sa ARMM ipinatutuloy ng Comelec

IPINATUTULOY na ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa 2013 midterm polls.

Batay sa resolusyon ng Comelec en banc, ang registration at validation ng registration records ay magsisimulan sa Marso 5, 2012 at magtatapos sa Oktubre 31 ngayong taon.

Layon nito na mabigyan ng sapat na panahon ang komisyon para makapagsagawa ng pre-election activities at iba pang preparasyon bilang paghahanda sa Mayo 13, 2013 midterm polls.

Una nang naudlot ang voters registration sa ARMM  noong Oktubre 1, 2011  dahil sa petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa ligalidad ng R.A.10153 o ang Synchronization of ARMM elections sa Mayo 13, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply