Wade lumiyab agad sa pagbabalik sa Heat

NAGLIYAB agad sa pagbabalik laro ni Dwyane Wade nang umiskor ito ng 28 puntos upang tulungang ipanalo ang Miami Heat laban sa New York Knicks, 99-89, sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Si Wade na anim na beses hindi naglaro dahil sa kanyang sprained ankle ay tumikada ng 11-of-19 sa field upang mailista ng Miami ang 13-5 win-loss card at muling umakyat sa tuktok ng Southeast division sa Eastern Conference.

Sina LeBron James at Chris Bosh ay nakapag-ambag din ng mahahalagang puntos para sa Heat.

Si James ang top scorer sa Heat matapos sumalpak ng 31 points, walong boards at pitong assists habang 13 points, siyam na rebounds at dalawang assists ang ginawa ni Bosh.

Hindi nakapaglaro ang pambato ng Knicks na si Carmelo Anthony dahil may injury ito (ankle, wrist, thumb) kaya napuwersang magtrabaho sa opensa si bench player Bill Walker na gumawa ng 21 puntos, pitong boards at isang assist.

Nagpakitang gilas sina Wade at James sa first quarter matapos magbigayan ng magagandang plays para sa dunk shots.

Ipinakita ni Wade na kundisyon ito ng tumikada ito ng walong puntos sa unang siyam na minuto.

Natamo ng Knicks ang ikalawang sunod na kabiguan upang mapako sa pitong panalo sa 18 laro.

Sa ibang NBA resulta, dinagit ng Atlanta Hawks ang Detroit Pistons, 107-101 habang sinuwag ng Chicago Bulls ang Milwaukee Bucks, 107-100. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply