Walang 13th month pay

TAPOS na ang Pasko at Bagong Taon pero marami pa rin ang empleyadong nalulungkot dahil hindi sila nakatanggap ng kanilang 13th month bonus.

Tulad ng mga empleyado ng ARDEES VENTURE &  LOGISTICS INC. na matatagpuan sa ay 109 Muelle Dela Industria St., San Nicolas, Binondo, Manila.

Ipinarating sa Lily’s Files ng ilang kawani rito na hanggang sa ngayon ay hindi pa raw sila nakatatanggap  ng kanilang 13th month pay gayung tapos na ang Pasko at Bagong Taon.

Tanong ng ilang empleyado ay kung makakukuha pa sila ng kanilang 13th month pay at iba pang mga  benepisyo mula sa kanilang pinag tatrabahuang  ARDEES VENTURE & LOGISTICS  INC.

Ang layunin ng ilang empleyado  ay  hindi para siraan ang ARDEES VENTURE & LOGISTICS INC.  kundi para mabasa at malaman din  umano ng ilang empleyado na nagbubulag-bulagan sa ginagawa  ng management.

Tinawagan ko ang numero ng telepono ng nasabing kompanya na ibinigay sa akin ng mga empleyado at nakausap ko ang nagpakilalang si “Madz Lugod.” Nang magpakilala ako at sinabi ko ang aking pakay  ay hiningi nito ang aking cp # at  tatawagan na lang daw ako ng manager ng kompanya.

Makaraan ang ilang minuto ay tumawag ang Chief ng Accounting Section ng nasabing kompanya na nagpakilalang si Mr. Robert  Lugod. Ayon kay Mr. Lugod, hindi umano totoo ang sumbong ngunit inamin nito na 50% lang ang kanilang naibigay na 13th month pay at ang 50% ay  kanilang ibibigay ngayong darating na Enero 15.

Humingi ng paumanhin  si Mr. Lugod  sa mga empleyado dahil sa hindi kumpleto ang kanilang tinanggap na 13th month pay.

Ayon pa rito, kaya umano nangyari ang ganun ay dahil  sa hirap sila sa collection noong Disyembre at sinabing sana ay maintindihan din sila ng kanilang mga empleyado.

Doon po sa mga nagparating ng  reklamo sa Lily’s Files, umasa po kayo na sa darating na Enero 15 ay matatanggap na ninyo ang  kalahati ng inyong 13th month pay.

Para sa inyong reklamo at suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 0915-5683000  o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply