Walang krisis sa impeachment trial – JPE

PINAWI ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pangamba ng ilang sektor na  baka magkaroon ng constitutional crisis sakaling magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court laban sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam nitong umaga ng Biyernes, sinabi ni Enrile na walang magaganap na iringan sa pagitan ng Senado bilang impeachment court at Supreme Court basta’t magkakaroon ng paggalang ang dalawang sangay ng pamahalaan.

“Wala akong nakikitang krisis. We are all Filipinos. We are all for the country and we have to handle things,” ayon kay Enrile.

Kasabay nito ay siniguro naman ni Enrile na tatalima ang Senado sa kautusan ng Korte Suprema na magkomento kaugnay ng nakabinbin na TRO na inihain sa hukuman laban sa paglilitis kay Corona sa impeachment court.

“We will not abandon the Constitution. In the same manner that if we ask the explanation of the Supreme Court, they also have to explain to us. In the same manner that we will have to comply with their request that we explain our position with respect to the pending cases. Otherwise, we will break down the system of government that we have,” dagdag pa ng senador.

Sa kabila nito binigyang diin ni Enrile na tanging ang Senado lamang na tumatayong impeachment court ang may solong kapangyarihan na dinggin ang impeachment case tulad ng kaso ni Corona kaya’t dapat silang galangin sa kapangyarihang ito.

“My reading of the Constitution is that in this special situation is that we have the sole power to try and decide the case. Meaning, no one can interfere with us as long as we apply the Bill of Rights and the Principle of due process, as long as we do an impartial and fair administration of justice,” wika pa ng pangulo ng Senado.

Una nang tiniyak ni Enrile na mananatiling magiging patas ang impeachment court sa kaso ni Corona sa kabila ng pagdududa ng ilang sektor laban sa ilang senator-judges na pumapanig sa prosekusyon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply