Walang masama sa pagpapahid, paghalik sa Nazareno– obispo

WALANG nakikitang masama ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa nakaugalian ng mga deboto na pagpapahid at paghalik sa imahe ng Itim na Nazareno sa tuwing sumasapit ang pista ng Quiapo.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., sa pamamagitan ng naturang kaugalian ay matitimo sa isipan ng mga deboto na ang imahe ng Poong Hesus Nazareno ay hindi isang estatwa lamang.

Ipinaliwanag pa nito na malaki ang maitutulong ng naturang tradisyon para maipakita ng mga mananampalatayang Katoliko kung gaano kaigting ang kanilang debosyon.

Anang obispo, si Hesus na nagpakahirap at namatay sa Krus at muling nabuhay ang dapat maging gabay sa pagpapalalim ng pananampalatayang Katoliko para sa Poong Hesus Nazareno.

Binigyang-diin pa ng obispo na malalaman lamang ang isang tunay na pagdedebosyon kung ang isang deboto ay nakikiiisa sa Eukaristiya at may pagmamalaskit sa kapwa.

“Ang mahalaga ay mapalalim, mapatibay at mapaunlad ang pag-asa at pagmamahal natin unang una sa Diyos at pagkatapos sa pagmamhal sa kapwa tao, nangangahulugan na ang pagdedebosyon sa Poong Nazareno ay humahantong sa pagmamahal sa Eukaristiya at pagmamalasakit sa kapwa,” pagtatapos ng obispo sa panayam ng church run na Radyo Veritas.

Nauna rito, may ilang sektor na ang nagsabing hindi advisable ang paghalik sa mga poon dahil sa posibilidad na makakuha ng sakit.

Ito ay dahil sa hindi naman umano kontrolado kung may sakit o hindi ang mga humahalik sa Poon na maaaring makahawa sa susunod na hahalik dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply