Walang shoot to kill order vs Palparan

NILINAW ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na wala silang inilalabas na “shoot to kill order” laban kay retired Major General Jovito Palparan.

Aniya mas binigyan niya ng kasiguruhan na bibigyan pa nila ng mahigpit na seguridad si Palparan sa oras na ito ay sumuko sa batas.

Hinimok pa ni Robredo ang retired military official na mas maipapaliwanag nito ang kaniyang sarili sa tamang forum kaysa ang pagtatago sa batas.

Samantala, mismong si Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang nananawagan kay Palparan na sumuko na ito at harapin ang kaniyang mga kaso.

Si Palparan ay nahaharap sa kasong kidnapping at illegal detention kaugnay sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Iginiit pa ni Gazmin na wala umanong maaasahan na legal assistance mula sa gobyerno ang puganteng dating military official.

Una rito, naglaan na ng P500,000 na pabuya ang Department of Justice at Department of the Interior and Local Government para sa agarang ikaaaresto ni Palparan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply