Walang SSS, Philhealth at palpak na GSIS, PVAO

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga tagasubaybay na ilahad ang kanilang mga karanasan, kahilingan, kaisipan at damdamin sa iba’t ibang usapin.

PALPAK NA WATER DISTRICT

Good pm. Puwede niyo  ba kaming tulungan na mga relocatee rito sa Towerville, Gaya-Gaya, Bulacan? Isang taon na po kaming naghihintay na makabitan ng tubig. Pero nauna pa ang mga huling relocatee.

Pinagbawalan na rin ng Bulacan Water District na umigib ang mga may tubig. Nasaan na kaya ang pondo na ibinigay ng Ayala sa National Housing Authority para pambayad sa pagpapakabit ng tubig? +63908265….

NAGPAPUTOK SA BAGONG TAON

Good day po! Reaction lang po sa nasulat sa inyong dyaryong Remate na “mga sangkot sa pagpapaputok ng baril noong bagong taon tablado.” Eh bakit po kaya malaya na ang isa sa nasangkot dito sa Laguna? Salamat po! ‘Wag niyo pong i-publish ang number ko. +63923581….

WALANG SSS, PHILHEALTH, ETC.

Good morning. Pakibulabog naman po itong Eagle Arms Security Agency. Wala na ngang mga insurance kahit isang guwardiya, wala pang 13th month pay hanggang ngayon.  Sir, don’t publish my cp number. +63948222….

Sir, good am po. Security guard po ako ng Marban Security Agency rito sa Quezon City. Hindi po sila naghuhulog ng SSS namin. Huwag po ninyong ilabas ang cellphone number ko. Salamat po. +63946558….

Sir, good am. Security guard po ako ng Skyhawk Security Services. Hindi sila naghuhulog ng SSS at PHILHEALTH. Wala akong ibinibigay na number ng PAGIBIG pero may bawas kami buwan-buwan. Ang kakapal ng mukha nila. May malubhang sakit ang magulang ko pero wala akong makuha mula sa kanila. Huwag niyo pong ilabas ang number ko. +63932226….

WALANG BONUS

Good pm po. Nais ko lang iparating sa inyo ang ukol sa mga “job order” sa Labrador, Pangasinan. Hindi po sila nakatanggap ng Christmas bonus. Saan kaya napunta ang mga Christmas bonus nila? +63949355….

NO PARKING BINABALEWALA

Magandang hapon, sir. Gusto ko lang sanang ipaalam ang problema naming mga tindero sa Marikina Wet Market.

Marami naman pong karatula rito na NO Parking Delivery Van. Pero araw-araw naglalakihan ang mga delivery van na naka-park  kaya halos hindi na kami mabilhan dahil nahaharangan po kami. Ewan ko ba kung bakit pinapayagan ito ng parking collector. Hinala namin nalalagyan sila. +63946362….

PAGLABAG SA LABOR CODE

Sir Benny Antiporda. Isa lang po ako sa milyong tagasubaybay ng inyong kolum na ultimatum. Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Paki kalampag po itong  SAMMY ESQUERRA INC. dito po sa Samuel One Building sa Honda St. Makati City.

Wala po kasi sa minimum ang sahod, wala rin pong night differential at wala rin pong double pay para sa legal holidays. Kawawa na nga po kami sa trabaho, hindi pa ibinibigay ang tama para sa aming pinagpapaguran. Tulungan niyo po kami na maipaalam sa may-ari ang aming hinaing. Maraming salamat po. +63920260….

WALANG PENSYON MULA SA PVAO

Kailan po kaya ire-release ng PVAO ang pensyon ng lola ko? Last year pa nila inihinto ang pensyon ng  mga kaawa-awang matatandang beterano. Namatay na ang lola ko nitong December 23 hindi man lang niya natikman ito. Hanggang ngayon ay wala pa rin. Halos isang taon na. Mahihintay pa po ba ito? Pakigawan naman po ng paraan. Ty po. +63907346….

SI PNOY AT ANG REMATE

Mr. Benny Antiporda. Good morning! Taga-Aklan po ako. Nais ko lang po sanang tanungin sa iyo kung nagbabasa ba ng Remate si Noynoy Aquino tungkol sa problema nating mamamayan tulad ng langis at kuryente na napakamahal. +63999653….

PENSIONERS WALANG INCREASE

Tanong ko po sa SSS,  bakit kaming mga pensioner ay hindi nabigyan ng yearly increase na 10%.

Dati meron kaming increase. Kawawa naman kaming maliit lang ang pension na P1,320. Kulang pang pambili ng gamot. Mula nang si Neri ang namahala ng SSS, hindi na nadagdagan ang pensyon namin. Salamat po. +63999305….

CALLBOYS AT CALL GIRLS

‘Yung uzi texter tungkol doon sa mga callboy at callgirl sa Isetann Recto ay tama. +63918685….

WALANG 13TH MONTH PAY

Good morning po, sir. Humihingi po kami ng tulong  sa inyo. Hindi po kasi ibinigay ng REPHIL GAS STATION ang 13th month pay namin at saka bigla na lang pong isinara ang station nila sa Cabanatuan City nang walang pasabi o abiso sa mga empleyado nila. +63946259….

IMPEACHMENT NI CORONA

Hindi tama ang ginagawa ng gobyerno na basta ipa-impeach ang Chief Justice. Kung anoman ang alam nila na kasalanang nagawa ng Chief Justice, dapat idaan sa demokratikong pamamaraan at humanitarian consideration.

All of us are just humans. We commit errors and mistakes. Dapat na ipatawag lang muna siya ng Justice Committee ng Senado for him to freely exercise his right to explain himself regarding to the doubtful decisions he had made. Bear in mind that our lawyers are professionals but who take  the BIBLE as one of their Books of Knowledge.
Usman Sali, Baguio City. +63920823….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring tawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply