Walang sugurang nangyari kina Pauleen Luna at Saida Diola

FAVORITE na favorite talaga ni Ateng Janice delos Santos Navida na patnugot ng Bulgar si Bossing Vic Sotto.

Wala na kasing laman ang kolum nito araw-araw kundi si Bossing at ang mga chicks kuno nito. May Pauleen Luna, Saida Diola at Niña Jose pa. Kulang na lang i-headline ni Janice na playboy si Bossing samantalang ‘yung sa kanila ni Pauleen hanggang ngayon ay wala pang confirmation ang sikat na TV host/comedian/producer nating Dabarkads sa Eat Bulaga.

Heto pa, lumabas rin sa kolum ng nasabing entertainment editor na base sa kuwento raw ng source ni IC Mendoza kaya umalis ng Eat Bulaga ang EB Babes member na si Saida Diola, sinugod daw kasi ito ni Pauleen kasama si Ruby Rodriguez para pagsabihan ang magandang dancer na sila na ni Bossing. Say pa ng ka-chika namin sa Eat Bulaga, wala raw ganyang pangyayari. Bakit naman daw susugurin ng TV host-actress si Saida eh wala naman daw silang business nito? Saka hindi raw talaga true na may affair si Bossing kay Saida. Nakita naman daw natin nu’ng time na sina Bossing at Pia Guanio pa, stick to one lang magmahal ang Dabarkads host.

Uy! may Niña Jose pa pala na ang tawag kay Bossing ay simpleng Marvic lang at kay Oyo, Kuya Oyo naman. Hay naku! Ang alam namin, matagal ng may benefactor na rich guy itong si Niña. So please huwag mong gawing front si Bossing Niña at tama na ang pantasiya mo at ilusyon. Loud and clear gyud!

***

Vilamanian’s ni Gov. Vilma Santos kapuri-puri at karespe-respeto

KUNG ang ibang Noranian’s ay mga bastos at walang mga breeding na super react talaga kapag napipitik mo ang idolo nilang si Nora Aunor, ang mga Vilmanian’s hindi ganyan. Nagagalit rin sila kapag tinitira ang minamahal nilang si Batangas Gov. Vilma Santos pero dinadaan nila ito sa diplomasya.

Pano kasi, karamihan sa kanila ay may pinag-aralan naman. Last month pala ay nagdaos ng Christmas Party ang mga tagahangang ito ni Ate Vi na in-organize ng presidente ng Vilma Santos Solid International na si Jojo Lim. Ginanap ito sa kilalang resto riyan sa may Timog Ave.

Siyempre present ang idol ng lahat na si Gov. Vi at ilang malalapit na reporters sa lalong gumaganda at slim na Queenstar of All Seasons. At isa nga kami sa masuwerteng na-invite sa special na event na ito. Hindi lang ang mag-enjoy sa piling ni Ate Vi ang agenda na’ng gabing ‘yun kundi ang mag-ambag-ambag na rin para pantulong sa mga kababayan natin na naging biktima ng killer typhoon na si Sendong.

Napuno talaga ng pera ang donation box. Tapos halos maluha ang lahat nang magsalita na si Gov. Vi para sabihin na buong pamilya niya kasama ng husband na si Senator Ralph Recto at mga anak nila ng butihing senador na sina Luis Manzano at Ryan Christian ay nagtulung-tulong rin at siyempre malaking bahagi nito galing sa bulsa ng actress-politician. Para sa mga kapatid natin sa Cagayan de Oro at Iligan City na hangang ngayon ay nangangailangan pa rin ng financial help, malaking halaga na ang naipadala roon at mga relief goods ni Ate Vi na busing-busy pa rin sa shooting ng horror movie nila ni Kim Chiu na “The Healing” na hindi lang inaabangan ng kanyang mga Vilmanian’s kundi ng lahat. And for us, kapuri-puri at karespe-respeto talaga ang VSSI sa gesture nilang ito. We want to thank Jojo, Jimi Escala and Willie Fernandez na mga die hard Vilmanian’s talaga also sa Girl Friday rin ni Ate Vi na si Are Aida na buong buhay ay ibinigay na kay Gov. Vi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply