AFP: Walang sundalong nagtatago kay Palparan

AGAD sumagot ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang nagkakanlong na sundalo kay retired M/Gen. Jovito Palparan sa kanilang hanay.

Ani AFP chief of staff Gen. Jesse Dellosa, makakaasa ang taongbayan na hindi galing sa militar ang nagtatago sa hinahanap na heneral.

Ayon kay Dellosa, ang nabanggit ni Interior Sec. Jesse Robredo ay report lamang at wala pang beripikasyon.

Una nang sinabi ni Robredo na may natatanggap silang impormasyong na mga dating kasamahan ni Palparan ang nagbibigay proteksyon sa kanya mula sa mga operatiba ng NBI at PNP.

Nakakatulong din ang alok na pabuyang P1 million dahil dumarami ang natatanggap na tips kung saan nagtatago si Palparan na wanted sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply