Warden, jail guard sa Cagayan sinuspinde

INILAGAY na sa preventive suspension ang mga jail guard na naka-duty nang mangyari ang jail break sa Cagayan Provincial Jail noong Disyembre 10, 2011.

Ayon kay Gov. Alvaro Antonio, dalawa hanggang limang buwan ang ipinataw nitong suspension sa limang jail guard kasama na si Provincial Jail Warden Perfecto Santos dahil sa gross negligence kaya natakasan ng mga preso.

Ayon pa kay Antonio kasali si Santos sa mga sinuspendi alinsunod sa patakaran ng command responsibility.

Ipinaliwanag ni Antonio na batay ito sa rekomendasyon ng binuong investigating panel sa pangunguna ng legal counsel ng pamahalaang panlalawigan na si Atty. Romeo Guillermo kasunod ng pagpuga ng anim na bilanggo na nahaharap sa mga mabibigat na kaso.

Una rito, siniguro ng gobernador na may mananagot sa nangyaring insidente.

Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang apat na pugante matapos na muling mahuli at maibalik sa panlalawigang piitan ang dalawang nakatakas na bilanggo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply