Wawa sa Pangasinan positibo sa red tide

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) laban sa pagkain ng shellfish at alamang na makukuha mula sa karagatang sakop ng Barangay Wawa sa bayan ng Bani, Pangasinan.

Ito’y matapos iulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Shellfish Bulletin No. 03, Series of 2012, nito na positibo na rin ang naturang lugar sa red tide toxin.

Lumitaw sa pagsusuri na ang shellfish at alamang sa naturang lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit kaya hindi  ligtas kainin.

“Wawa, Bani, in Pangasinan is now positive for red tide toxin,” anang shellfish advisory ng BFAR.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the said area are NOT SAFE for human consumption,” dagdag pa nito.

Gayunman, nilinaw ng DOH na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa mga naturang lugar.

Payo ng DOH, kinakailangan lamang na tiyaking sariwa ang mga ito, natanggalan ng mga hasang at bituka at nahugasang mabuti bago lutuin.

Bukod naman sa Barangay Wawa, nananatili pa ring positibo sa red tide toxin ang mga lugar ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental; Masinloc Bay sa Zambales; Bataan coastal waters sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal; at ang Matarinao Bay sa Eastern Samar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply