WB findings walang connect sa impeachment

WALANG kinalaman sa impeachment complaint laban kay Supreme Court  Chief Justice Renato Corona ang pagkakabunyag ng World Bank “aide memoire.”

Tinuran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang nasabing findings ng WB ay naunang ibinigay sa kinauukulang opisyal ng gobyerno bago pa man umusad ang impeachment trial.

Nakadetalye sa naturang findings ang kuwestiyunableng pagkakagastos ng loan facility na walang kinalaman sa judicial reforms.

Aniya, kailangan lang itong maimbestigahan ng CoA, Ombudsman, Senado o Kamara para makita ang accountability.

Ang nasabing report ng WB ay ibinigay sa Korte Suprema, Ehekutibo at iba pang concerned government agencies para maisaayos ang kanilang concern sa pagkakagamit ng ipinautang na pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply