WBO lightweight champ pa rin ako – Marquez

PINAGDIINAN ni three-time world champion Juan Manuel Marquez na siya pa rin ang kasalukuyang WBO lightweight “super” world champion.

Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Ricky Burns na pinakawalan na ni Marquez ang hawak niyang korona para umakyat sa welterweight.

Sinabi rin ni Burns na siya na ang WBO lightweight king.

Subalit iginiit ni Marquez na tiniyak na sa kanya ni WBO President Francisco Valcarcel na mananatili siyang kampeon.

Una nang pumalag si Marquez matapos siyang hubaran ng WBO ng hawak niyang titulo subalit dahil sa apela niya kay Valcarcel ay hindi pa rin maalis sa kanya ang korona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply