Filipino sa impeachment oks kay Lapid

PABOR si Senador Lito Lapid sa panukala ng Simbahang Katolika na Filipino ang gamiting wika sa paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“Mas magiging interesado ang masa na makibahagi sa impeachment trial ni Chief Justice Corona kung ang balitaktakan natin sa Senado ay gagawin sa Filipino,” diin Lapid.

Iginiit ng senador na kung magtatalog ang mga sangkot sa paglilitis ay mas maraming Pinoy ang magkakainteres na tutukan ang paglilitis.

Gayunman ani Lapid, ay hindi kailangan na lahat ng salita sa ingles ay dapat na isalin sa tagalog dahil may legal terms na hindi maisasalin sa tagalog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply