Willie Revillame out sa kasal ni Shalani

INAAYOS na sa kasalukuyan ang invitation sa kasal nina Valenzuela Councilor Shalani Soledad at Pasig Rep. Roman Romulo ngayong buwan, partikular sa Enero 22.

Kung excited ang dalawa, heard ng ilan sa showbiz na dedma naman sa co-host ni Shalani na si Willie Revillame kung hindi man siya kinuhang ninong ng ikakasal.

Kung matatandaan, na-link si Shalani kay Willie kasunod ng break-up kay Pangulong Noynoy Aquino.

Pero ayon sa ilang malapit na kaibigan ni Willie, pinagtatawanan lamang umano nito ang intrigang bitter siya, dahil sa totoo lang kahit tampo ay wala aniya siyang nararamdaman.

At para patunayan na hindi nagtatampo si Willie, kahit may asawa na niya ang konsehala ay kukunin pa rin niya ito bilang co-host.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply