Win-win solution sa Tampakan mining

NAGBABALA si dating Ateneo de Davao University president Fr. Emeterio Barcelon, SJ na huwag gamitin ang debate sa Tampakan mining para sa pagkakawatak-watak.

“Hindi ito debate na panalo ang isa at talo ang isa, dapat itong ibase sa realidad,” ani Barcelon.

Posible aniya ang win-win solution kung ibabatay natin sa tunay na nangyayari.

Inamin ni Barcelon na malakas ang pagsuporta niya sa “responsableng pagmimina.

“Mas ligtas ang open-pit mining kaysa underground mining dahil ang lahat ng operasyon sa pagmimina ay nasa ibabaw ng lupa at isang realidad iyan, hindi retorika,” ayon sa paring Heswita.

Nilinaw niya na mas madali ang rehabilitasyon sa open-pit mining operations tulad ng ginagawa sa ibang bansa at idinagdag na sa underground mining activities ay napakaraming problema sa kaligtasan at kapaligiran at napakahirap ng rehabilitasyon.

“Halimbawa, pinag-aralan na namin ang Tampakan project sa unang bahagi ng 1986 noong ang klasipikasyon pa lang nito ay napakayamang deposito ng ginto,” ani Barcelon. “Napakalaki talaga ng proyektong ito at tiyak na makatutulong sa ekonomiya ng South Cotabato. Ang totoo, dapat na matagal na nating napaunlad ang Tampakan project.”

Hinimok niya ang dalawang panig sa debate sa Tampakan na pag-aralan kung paano umiiral ang responsableng pagmimina sa buong mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply