Winner win kasi kaya laging number 1 ang Valenzuela

ISA si Valenzuela City Mayor  Win Gatchalian sa mga napiling gawaran ng Department of Interior and Local  Government (DILG)  bilang Number 1 City Mayor  for Good Governance bago matapos ang 2011.

Ibang klase kasi si Win sa kanyang pagpasok sa politika sa edad na 37. Nagawa nitong pagandahin at ayusin ang Valenzuela. Hindi kaila sa lahat na bago pasukin ni Win ang politika, isa siyang ‘magaling na businessman.’ Kaya hindi nakapagtataka na mapaunlad at maayos niya ang siyudad na kanyang kinalakhan.

Simula nang maupo bilang alkalde si Win, naibangon nito ang dating lugmok na siyudad. Aba, hindi lamang Number 1 City Mayor si Win kundi pati ang siyudad nito ay nanguna rin sa mga ginawaran ng DILG sa Local Government Performance Management System (LGPM). Halos nakopo ng Valenzuela ang lahat ng kategoryang parangal ng DILG.

Pag ganitong-ganito katino ang  Valenzuela, hindi malayong mas marami pang mararating sa pulitika itong si Win na recepient ng 2011’s Outstanding Young Men.

Ang isang panawagan lang kay Win ng kanyang kababayan ay sana maayos niyang mabuti ang daloy ng trapiko at mawala ang baha sa tuwing umuulan.

LOTTENG NI KAPITAN PADER KAY PD

Walang kawala at kahit saan ka dumako sa Cavite, halos buong lalawigan ay napasok ng operasyon ng bookies ng lotteng ni Kapitan Randy.

Malakas sa pamunuan ng kapulisan ng Cavite ang operasyon ng lotteng ni Kapitan dahil sa malaki ang lingguhang ‘tara’ nito sa bagman ni PD Supt. John Bulalacao na isang pulis,  si Marlon Garcia.

Walang sinoman sa Cavite ang makapag-ooperate ng lotteng nang hindi mag-umbrella kay Kapitan.

Suportado ng pulis na si Marlon Garcia si Kapitan Randy kaya isang utos lang ng kapitan ay kaagad na umaaksyon si PD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply