Witness sa Dominguez carnap group nilikida

NILIKIDA ng hindi pa nakikilalang gunman ang isang babaeng testigo sa Dominguez carnapping syndicate kaninang tanghali matapos dumalo sa paglilitis ng kaso sa Bulacan, sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., naganap ang pamamaslang bandang alas 11:30 ng umaga sa kahabaan ng McArthur Highway, Malolos, Bulacan.

Kinilala ni Cruz ang biktima na si Cristina Bruan Roxas, sinasabing kagagaling lamang sa Malolos RTC para dumalo sa pagdinig sa carnapping case laban kay  Raymund Dominguez.

Nabatid na sakay si Roxas ng pampasaherong jeep nang biglang lapitan at barilin ng nag-iisang suspek.

Hinihinalang may kaugnayan sa kaso na kanyang tinetestiguhan ang motibo sa pamamaslang.

Magugunitang isa ring suspek sa nasabing carnapping syndicate ang tinangkang likidahin nang hagisan ng granada ang seldang pinagkukulungan niya sa Bulacan.

Kasalukuyang sinisiyasat na ng awtoridad ang kaso at inaalam kung magkakaugnay ito sa kinasasangkutang kaso ng magkakapatid na Dominguez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply