Wizards nanalo rin!

SA WAKAS ay nanalo rin ang Washington Wizards laban sa Toronto Raptors 93-78 kaya natapos ang pagkauhaw nila sa panalo.

Makaraan ang walong sunod na talo, ang Wizards ay kumislap at dinurog ang Raptors sa second quarter pa lamang.

Si Nick Young ay kumana ng 15 points and habang si Rashard Lewis ay nagdagdag ng 15 para sa Wizards (1-8).

Ang grupo ay lumamang ng 19 makaraan ang three quarters na nagbigay sa kanila ng panalo.

Samantala, si Andrea Bargnani naman ay bumanat ng team-high 22 para sa Raptors (4-6) ngunit hindi ito nakasapat para maipanalo ang laro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply