Xian Lim na-in love talaga kay Kim Chiu

INAMIN ni Xian Lim na pagkatapos ng almost six months nilang pagsasama sa set ng “My Binondo Girl,” may something na na-develop sa kanilang dalawa ni Kim Chiu. Tinuturing na ngayon ni Xian na very special friend ang dalaga.

Wala siyang masabi sa kabaitan ng dalaga sa kanya sa set sa una nilang pagtatambal. Tapos sa tagal ng kanilang pagsasama ay nahulog talaga ang loob niya kay Kim. Nadadala raw siya ng kanilang mga eksena lalo na kapag may love scene sila. Kahit sa bahay nila ay nadadala niya ang damdamin kay Kim.

Bunga nito ay nakapag-compose siya ng song na dedicated sa dalaga, ang “Ako’y Sa Iyo Lamang.”

Kapag ipinaririnig ni Xian ang na-compose na awitin kay Kim, natatawa lang ang dalaga. Parang sa tingin nito ay normal lang lahat sa lalaking nai-in love sa babae. Gusto pa niyang makilatis nang husto si Xian.

Sa pagpapahayag pa ng damdamin ni Xian kay Kim, very special gift ang kanyang ibinigay sa dalaga, ang pagpapadala ng choir sa may tent ng dalaga sa set ng My Binondo Girl. Sa pag-awit ng choir ay naguluhan pa si Kim. Akala niya noong una’y mga namamasko lang ang mga ito. Pero pagkatapos kantahin ng choir ang popular love song na You ay biglang lumabas si Xian na may dalang bulaklak at regalo sa kanya na cute lap pillow.

Sa next Friday ang ending ng My Binondo Girl. May tatlong leading men si Kim sa soap pero sa bandang ending ay na-focus ang istorya sa pag-iibigan nina Kim at Xian dahil sa magandang feedback mula sa fans na kanilang na-receive. Super puri ang dalawa ng fans. Tinanggap ang dalawa sa Twitter at Facebook na umani ng magandang ng positive reviews. Di rin daw inaway ng mga Kimerald si Xian.

000

Lovi Poe inaming loveless pa rin siya

NGAYONG bagong taon ay loveless pa rin daw si Lovi Poe. Kahit balitang dumating na si Ronald Singson dahil tapos na ang prison sentence sa kanya ng korte ng Hong Kong mula nang makunan siya ng isang uri ng ipinagbabawal na gamot sa airport.

Sa pagkakahiwalay nina Lovi at Ronald, maraming masasakit na sandali ang nangyari kay Lovi. Nilimot nito ang lahat sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Sunud-sunod na pelikula ang kanyang ginawa.

Tatlong pelikula sa Regal Films (My Neighbor’s Wife, Aswang at Yesterday Today and Tomorrow) at pag-appear sa mga programa ng GMA-7.

Nang nakausap namin si Lovi sa presscon ng “Legacy,” sinabi niyang nakikipag-date siya ngayon.
Sinusunod niya ang payo ng friend niyang si Solenn Huessaff. Magsaya at mag-enjoy, meet other guys.

Pero sa trabaho ay vindicated ang role ni Lovi sa Legacy, siya ang legitimate daughter rito na nagmamay-ari ng kumpanya ng sabon. Makatutunggali niya sa mga eksena sina Heart Evangelista at Alessandra de Rossi na parehong half sisters niya sa istorya.

Simula na sa Monday ang Legacy na ang kapalit ng Amaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply