Yaman ni Corona ‘wag agad husgahan – Kiko

HINILING ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa publiko na hintayin at patapusin muna ang impeachment trial bago gumawa ng anumang konklusyon kaugnay sa  State of Assets, Liabilities and Networth ni Chief Justice Renato Corona.

Iginiit ni Pangilinan, mahirap gumawa ng anumang konklusyon na base lamang sa dokumentong ipinakita sa impeachment court na SALN ni Corona mula 1992 hanggang 2010.

Reaksyon ito ni Pangilinan makaraang magbigay ng konklusyon ang prosecution panel na base sa ebidensiya na kumamal si Corona ng P23 milyon sa taong 2010 mula sa P14 milyon sa taong 2002.

Gayunpaman, nais ni Pangilinan na ma-cross examine at mapag-aralang mabuti ang mga dokumento at ebidensiya bago magbigay ng anumang komento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply