Year of the Dragon, hindi end of the world – Lim

WALANG katotohanan na katapusan na ng mundo ang pagsapit ng taong 2012 kasabay sa pagpasok ng `Year of the Water Dragon,’ ani Manila Mayor Alfredo S. Lim.

“Do not and we should not believe this absurd and baseless prophecy.  No one can predict the end of the world and 2012 will not be the end of the world but the beginning of endless and countless blessings for all of us,” ani Lim mtapos na makiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year kanina.

“Umasa tayo at magdasal na ang taong 2012 na sinasagisag ng water dragon ay magdadala sa atin ng Chinese five blessings, ang harmony, virtue, riches, fulfillment and longevity, at hindi delubyo at kalamidad,” ayon pa sa alkade.

Kasabay nito, ipinahatid ng punong lungsod ang kanyang pagkilala sa ambag ng Chinese-Filipino community sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paglalagak ng puhunan na nagbibigay naman ng maraming trabaho sa mga kapatid na Pinoy.

Pinangunahan ni Lim ang Grand Parade kanina na nagsimula sa Plaza Lorenzo Ruiz sa harap ng  Binondo Church, at umikot sa mga pangunahing lansangan sa China town sa Binondo kasama si National Press Club Jerry Yap at ilang Fil-Chi businessmen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply