Zamboanga Peninsula nakaalerto sa posibleng pagpasok ng bagyo

NAKAALERTO na ngayon ang Office of the Civil Defense (OCD) Region 9 sa Zamboanga Peninsula Area matapos magbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naisali ang Western Mindanao sa nakararanas ngayon ng mga pag-ulan dahil sa low pressure area.

Inaasahang mas lalapad pa ang epekto ng namataang sama ng panahon ng weather bureau na nasa 550 kilometro ng east-southeast ng General Santos City.

Aasahang magdadala ito ng malalakas na pag-ulan na posibleng magresulta ng mga pagbaha at landslide sa mga lugar na maaapektuhan kasama na ang Zamboanga Peninsula.

Nagbigay na rin ng payo ang Office of the Civil Defense sa mga pamahalaang lokal na gumawa na ng mga paraan upang makapaghanda lalo na ang mga flood prone at landslide areas.

Matinding monitoring na rin ang ginagawa ng OCD sa mga coastal areas na unang maapektuhan kung sakaling maging ganap na bagyo ang sama ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply