Zukifli bin Hir, foreign extremists namataan sa Sulu

MAY presensiya ng ilang “foreign extremists” sa Mindanao na posibleng tumutulong sa local terrorist cell para maghasik ng karahasan sa nasabing rehiyon.

Ito ang ibinunyag kaninang umaga ni Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Raymundo Ferrer, na may natanggap silang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Zulkifli bin Hir, isang US-trained Malaysian engineer at isa sa mga itinuturong terror suspects sa Southeast Asia.

Si Zulkifli bin Hir,  ay lider ng Kumpulun Mujahidin Malaysia (KMM) terrorist organization at kasapi rin ng Jemaah Islamiya’s central command.

Sinasabing isa ito sa mga sumusuporta sa mga operasyon ng Abu Sayyaf Group sa Mindanao.

Maliban dito, kabilang din na foreign militants na nasa Mindanao ay si Abdullah Ali o alyas Muawiyah, isang Singaporean at ilang mga galamay nito.

Inaalam din ngayon ng intelligence community ang ulat kaugnay sa presensiya ng isang Indonesian na nakilalang si Qayim, Malaysian na si Amin Baco at isang Indonesian na natukoy lamang sa pangalang Sa’ad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply