‘Di balakid ang karagatan

SA NAKALIPAS na lindol na sumalanta kamakailan sa mga kababayan natin sa Kabisayaan, makikita na hindi lamang sa iisang lugar – partikular sa isang isla – lamang umabot ang hagupit ng lindol. Mula sa epicenter o kalagitnaan ng lindol, napakaraming mga lugar sa iba’t ibang isla ng bansa ang nakaramdam at naapektuhan ng lindol.

Sa isang bansang pandagat na binubuo ng napakaraming isla tulad ng Pilipinas, maraming nakapagsasabi na ang mga karagatan sa pagitan ng mga isla ay hadlang sa pagkakaisa o pakikipag-ugnayan ng mga Filipino sa kaniyang mga kababayan sa kabilang isla. Sa katunayan, hindi dapat ganito ang pananaw natin dahil mababasa sa mga pahina ng ating kasaysayan, ang karagatan mismo at ang mga sasakyang dagat ang siyang nag-uugnay sa mga Pinoy noon at ngayon. Ang ating mga ninuno noon at mga kababayan ngayon ay patuloy at may malakas na pakikipag-ugnayan dahil sa karagatan.

Banaag sa isinasagawang relief operations ng inyong Hukbong Dagat sa Cebu at Negros Oriental na walang humpay ang pagdadala ng relief goods para sa ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng lindol. Mula sa iba’t ibang dako ng ating bansa tulad ng Cebu, Albay, Maynila, at Zamboanga, nakapagdulot ng agarang ayuda ang iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan sa tulong ng mga barkong itinalaga ng Navy para sa malawakang relief operations. Kitang-kita rito na sa pagkakataon na walang para-ang panlupa at panghimpapawid na makabiyahe para sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kaba-bayan, napakadali at napaka-epektibo ang pagbiyahe sa pama-magitan ng karagatan.

Sa ngayon, may apat (4) na barko mula sa Naval Forces Central (Cebu) at mga karatig na Naval Forces sa Southern Luzon (Albay) at Western Mindanao (Zamboanga) ang naglalagare sa pagdala ng relief goods para sa ating mga kababayan. Mula pa man sa unang araw ng pagbanat ng lindol, nandun na agad ang ating mga barko upang makapagdala ng pa-ngunang lunas para sa ating mga kababayan mula sa karagatan.

Makikita sa mga ganitong pagkakataon na napakahalaga ng isang Navy na may kakayanan at kapasidad na magresponde sa mga sakunang walang patawad at walang babala kung humataw. Laluopa’t ganito na ang lumalabas na bagong anyo ng banta sa ating bansa, ang mga sakuna at kalamidad ay dapat na paghandaan hindi lamang ng inyong Navy at Armed Forces kundi nating lahat. Sa tulong ninyo, kakayanin natin ‘yan Pinoy!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply