‘Di dapat matinag si LTO Chief Torres

HINDI nakapagtataka na nagsisimula na namang mag-ingay ang ilang upahang media operator ng Stradcom Corp., ang information technology provider ng Land Transportation Office.

Dangan kasi ay nakatakda nang magtapos ang kontrata ng Stradcom sa LTO sa Pebrero ng susunod na taon at sa ngayon ay nasa mga huling yugto na ang pamalit na proyekto na ti-natawag ding “Road Transport IT Project”.

Sa katunayan ay may go signal na mula sa review panel o technical board ng National Economic Development Authority ang proyekto kaya ilang araw mula ngayon ay maari nang ianunsyo ng LTO ang bidding para rito.

Hindi naman lingid sa lahat na desidido si LTO Chief Virginia P. Torres na gawing maayos ang serbisyo ng ahensiya na kanyang pinamumunuan at alam niyang magagawa lang niya ito kung malilinis niya ito mula sa lahat ng uri ng katiwalian.

Batid ni Assec. Torres na kung magiging tagumpay ang bagong computerization project sa ilalim ng kanyang pamumuno ay isa ito sa magagandang legacy na maari niyang ipamana sakaling iwan na niya ang kanyang tungkulin ilang taon mula ngayon.

Nakapaloob kasi sa programa ang planong gawing integrated ang lahat ng sistema nang LTO sa buong bansa na maari rin namang ikabit sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Metro Manila Development Authority.

May mga panukala pa nga na puwede ring ikabit ang sistema sa mga law enforcement group gaya nang National Bureau of Investigation at maging ang Philippine National Police para sa mas epektibong pagsugpo ng kriminalidad.

Subalit dahil nga sa tila hindi na kasama sa mga planong ito ang Stradcom ay hindi naman sila papayag na basta-basta na lang bibi-tawan ng LTO.

Kaya hindi na tayo magtataka kung sa mga darating na araw ay may magsulputan na namang mga isyu na ang tanging layunin ay idiskaril o abalahin hangga’t maaari ang proyekto.

Normal na reaksyon lang na-man iyon pero ang importante ay huwag magpatinag si Assec. Torres at gawin niya lamang ang alam niyang tama at para sa higit na ikabubuti ng ahensiya at ng buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply