‘War’ tactics sa impeachment

SA mahigit isang buwan nang dinidinig na impeachment trial ni  Chief Justice Renato Corona,  walang isyu na masasabing kagugulatan.

Yun bang magbibigay sustansya sa isipan at damdamin kina Juan at Juana dela Cruz para patuloy na subaybayan ang paglilitis.

Kumbaga, walang explosive revelation para mag-karoon ng interes ang publiko na pagtuunan ng pansin ang makasaysayang trial na ito.

Sa simula’t simula, ang inaasahan ng sambayanan ay paglilitis na maiksi, subalit may laman na talakayan sa inihaharap na mga ebidensya.

Ngunit ang nangyayari ay labanan sa taktika sa pagitan ng mga defense lawyer ng ini-impeach na CJ at congressmen-prosecutors.

Dahil sa walang katuturang tanong at sagot na malimit na dahilan ng debate ng magkabilang-panig, nagtatagal tuloy ang paglilitis.

Pakiwari natin eh, baka ‘di matatapos ang impeachment process sa itinakdang araw na ibababa ang desisyon ng mga senator-judge.

Marami nang napresentang ‘witnesses’ para madiin si Corona sa paratang at akusasyon na umabuso ito sa kanyang puwesto.

Pero, tila, kulang ang mga pahayag at isinusumiteng ebidensya para manjwala sina Juan at Juana na dapat ngang masibak si Corona.

Para matanggal sa puwesto, kailangan sigurong magpakita ng kongkreto at kapani-paniwalang saksi at ebidensya ang prosecution.

Ang nadiskubreng withdrawal ni Corona ng mahigit P30 million sa banko bago pa isagawa ang impeachment trial ay kaisa-isang malaking ebidensya na nagpapatunay na napakaraming pera pala ang CJ.

Ngunit ito’y kailangang patunayan ni Congressman-Prosecutor Neil Tupaz at kanyang mga kasama sa prosecution team.

Kailangan din nilang patunayan na ang malaking halaga na ito ay ill-gotten wealth at nakuha ng chief justice sa masamang paraan.

Kung hindi, aba’y walang dahilan para siya’y (Corona) matanggal sa posisyon.

Patapos na ang article 2 at magsisimula na ang article 3 ng impeachment trial at sa mga susunod na araw, sisimulan na ang article 7.

Tatalakayin ang paratang kay Corona na naging unfair ito sa mga nakaraang mga desisyon sa malalaking kaso na ang involved ay ang datng Pangulong Gloria Arroyo at asawang Miguel Arroyo.

Subaybayan natin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply