Evacuee pa sa CDO nagpakamatay

ISA nanamang evacuee ang kumitil ng sariling buhay dahil sa problema sa pamilya sa Cagayan de Oro City.

Nabatid na nagpakamatay sa may Mt. Carmel evacuation center, naturang siyudad ang biktimang si Mary Joy Diamante Salig, 19, may ka-live in partner na taga, Acasia St., Carmen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na problema sa pamilya ang nagbunsod sa biktima na wakasan ang kanyang buhay gamit ang lubid dagdag pa na walang trabaho ang kanyang asawa.

Sinasabing may anak pa sila na anim na buwan pa lamang.

Itinali umano sa punongkahoy ang lubid at sa leeg ng biktima.

Samantala, dinala naman ng mga otoridad sa Maharlika Detention Cell ang ka-live in partner ng biktima na si Gilbert Salig matapos malamang nagplano rin ito na magpakamatay at sumunod sa ginawa ng kanyang misis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply