1 patay, 1 malubha sa motorsiklong nabangga

TIGOK ang isang babae habang malubha ang kasama nito matapos masagi ang kinalulunan nitong motorsiklo ng isang taxi at bumangga sa pader ng computer shop kaninang madaling-araw sa Baesa Road Caloocan City.

Hindi na umabot na buhay sa ARO Medical & Lying Clinic si  Jeansy Ramos, 18, habang agaw-buhay naman sa MCU hospital si Rezzie 17, pawang residente 297 compound Magdalena st. ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ng maganap ang sakuna sa harap ng Cleoper Computer Shop sa nasabing lugar.

Nabatid  nakasakay sa Suzuki  motorcycle na may plakang  MC 8800-UT  si  Jeansy  habang kaangkas nito si Rezzie nang mahagip ng kasalubong na  Toyota Vios taxi na may plakang TXX-475 na minamaneho ni Ronaldo Roque, 37, at saka bumangga sa pader ng nasabing shop.

Wasak ang nasabing motorsiklo habang ang  nasabing taxi ay pinigil ng pulisya  para sa masusing imbestigasyon. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply