1 patay, 1 nawawala sa sunog

NATUSTA nang buhay ang isang residente habang isa pa ang nawawala nang lamunin ng apoy ang dalawang kabahayan sa Cebu City kaninang madaling-araw.

Ang hindi nakikilalang bangkay ng biktima na halos naabo na sanhi ng pagkakasunog ay natagpuan sa loob ng isa sa dalawang bahay.

Nagkasa na ng clearing operation ang mga tauhan ng Bureua Of Fire Protection (BFP) para hanapin ang isa pang biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling-araw sa isang subdibisyon sa Barangay Banilad, Cebu City.

Ayon sa mga kapitbahay, nagsimula ang sunog sa guest room sa bahay ng isang retiradong sundalo na hindi nakuha ang pangalan.

Dahil sa malakas ang ihip ng hangin, mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay sa nabanggit na subdisyon.

Ayon kay Cebu City Fire Marshall Aderson Comar, inaalam pa nila ang dahilan ng sunog at iimbitahan din nila ang sinasabing sundalo para makapagbigay ng kanyang panig.

Hindi naman malaman pa kung magkano ang naging danyos sa insidente. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply