1 patay, 28 bahay naabo sa sunog sa Cebu

NASAWI ang isang babae habang 28 na kabahayan naman ang naabo sa sunog sa Barangay Lahug, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Flor Fuentes na nagtamo ng second degree burn kung saan nalapnos ang balikat nito sa nangyaring sunog.

Nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Glenn Lucay-lucay kung saan narinig ng mga residente ang malakas na pagsabog kasunod nito ang paglagablab ng malaking apoy na mabilis na kumalat sa katabing mga bahay na gawa sa light materials.

Naapula naman ng mga bombero ang apoy sa loob ng 15 minutos.

Tinatayang aabot sa P380,000 ang iniwang danyos ng sunog.
Patuloy pa rin namang inaalam ang dahilan ng naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply