1 patay, 3 sugatan sa riot sa Bilibid

ISANG bilanggo ang nasawi habang tatlo ang nasugatan makaraang magka-riot sa habang naglalaro ng basketball ang mga inmates sa New Bilibid Prison sa Metro Manila kagabi, Pebrero 15.

Ayon kay Bureau of Corrections head Gaudencio Pangilinan sa ulat ng dzBB, inatasan na niya ang mga awtoridad upang magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Soriano, na hinihinalang nagtamo ng saksak ng barbecue stick.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:00 kagabi nang magsimula ang gulo habang naglalaro ng basketball ang mga miyembro ng “Sputnik” at “Commando gang” sa left wing ng maximum security compound.

Minura umano ng coach ng “Sputnik” ang referee dahil sa maling tawag at dito na nagkainitan ang magkalabang grupo na nauwi sa riot.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply