10 bomba, 1 granada natagpuan malapit sa eskuwelahan sa Laguna

TINATAYANG 10 bomba at isang granada ang narekober ng mga awtoridad sa pagitan ng dalawang eskwelahan sa Cabuyao, Laguna.

Ito ang nabatid matapos itong itawag ng isang concerned citizen kasunod naman ng pag-uutos ng pulisya na paikutan ng K-9 unit sa pagitan ng dalawang eskwelahan.

Nabatid pa nagpositibo nga ang bomba at isang granada sa naturang lugar na naamoy ng K-9.

Agad namang inilatag ang security blanket at doon inilipat ang 10.75 mm projectile at MK-2 grenade.

Ayon sa Laguna Police, mainam at hindi ginalaw o pinakialaman ang mga bomba.

Dagdag nila, kung sumabog ang mga bomba ay madadamay ang dalawang eskwelahan na may 3,000 estudyante.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply