10 empleyado ng resto nalason sa munggo

MATAPOS mag-ulam ng ginisang munggo sa kanilang pananghalian, isinugod sa pagamutan ang sampung empleyado ng isang restaurant sa Pasay kahapon (Pebrero 23).

Ang mga biktima ay pawang nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae pagkatapos na kumain ng munggo.

Unang dinala sa clinic ng SM Mall of Asia ang mga empleyado ng Buffet 101 International Cuisine Restaurant na nasa Bldg K, Seaside Boulevard sa SM Mall of Asia Complex na sina Rodelio Ybanez, 19, Jeremy Barrientos, 24, Robert Carmen, 36, Alejandro Ignacio, 27, Paulo Anthony Cho, 18, Cemjoey Bolima, 19, Lawrence Joy manlungat, 20, Anastacio Alig, 29, Ryan Armenta, 24 at Carlo Andaya, 21 makaraang sabay-sabay na makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan dakong ala-1:30 ng hapon.

Nang hindi pa maalis ang pananakit ng tiyan, nagpasiya ang captain waiter ng naturang restaurant na si Bryan Memongan na dalhin na sa San Juan De Dios Hospital ang mga kasamahan niyang kawani sa naturang restaurant.

Lumabas sa pagsisiyasat nina SPO3 Leo Labrador at SPO2 Joel Landicho ng Station Investigation Division ng Pasay police na sabay-sabay na kumain ng pananghalian ang mga biktima at inulam ang ginisang munggo na niluto ng cook na si Alberto Cotamora.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng Environmental Santiation Services ng City Health Office ng Pasay City ang lahat ng mga nilulutong pagkain ng naturang restaurant upang alamin kung tumatalima ang mga ito sa tamang pamamaraan ng paghahanda at pagluluto ng pagkain, kabilang na ang iniulam na munggo ng mga biktima.

Sa oras na lumabas ang resulta ng pagsusuri, dito ibabatay ng City Healh Office kung irerekomenda ang tuluyang pagsasara ng naturang restaurant.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply