10 insidente ng childhood cancer naitatala sa PHL kada araw

INIULAT ni Sen. Pia Cayetano sa Senado na umaabot sa hanggang 10 paslit ang namamatay kada araw sa Pilipinas dulot ng kahirapan at kakapusan ng malawak na programa ng pamahalaan upang masugpo ang patuloy na paglago ng bilang nang namamatay sa kanser.

“Nakakalungkot, sa batang 5-14 taong gulang, kanser ang siyang pangunahing sanhi ng kamatayan. Kada taon, mahigit 175,000 bagong insidente ng childhood cancer ang nangyayari sa buong mundo na may 3,500 bagong kaso sa ating bansa lamang, o aabot sa 10 kabataan kada araw,” ayon kay Cayetano sa kanyang privilege speech nitong Martes ng umaga sa pagdiriwang ng International Childhood Cancer Day (ICCD).

Dahil dito, hinikayat ni Cayetano ang Senado na palakasin ang oversight powers nito upang tugunan ang hamon ng childhood cancer at matiyak na bibigyan ng prayoridad sa agenda ng kalusugan, kaunlaran at lehislatibo ang childhood cancer at maglaan ng kaukulang pondo upang makamit ang pangunahing karapatan ng kabataan na may kanser.

“Mr. President, my dear colleagues, by the time we finish this day, there could be another Filipino child who will die of cancer, another face of our future which would be irreplaceably lost, and another family who would mourn the early loss of their child and forever carry the burden of that loss,” aniya pa.

Noong Setyembre 2011, sinabi ni Cayetano na nagpalabas ang United Nations General Assembly ng isang political declaration na ikinokonsidera ang apat na pangunahing non-communicable disease, ang kanser,  cardiovascular disease, diabetes at chronic respiratory disease, bilang pangunahing sanhi ng kamatayan sa lahat ng edad.

“Next to climate change, non-communicable diseases are seen as the second most severe global risk, even equal in cost to the global financial crisis,” paliwanag ni Cayetano.

Sa ngayon, mas maraming namamatay sa kanser sa buong mundo kaysa sa malaria, tuberculosis at AIDS. Noong nakaraang taon, umabot sa US$300 bilyon ang ginastos ng buong mundo sa bagong kaso ng kanser habang nitong 2008 ay umabot naman sa US$895 bilyon ang nalustay sa kanser na kumakatawan sa 1.5% ng kabuuang gross domestic product ng buong mundo.

“However, many experts are of the opinion that the number of childhood cancer cases in our country is in fact much, much higher than this number. Since childhood, cancer is not yet a noticeable disease and since our current cancer registry is limited to three areas in NCR, many of these occurrences remain unreported and unrecorded,” ayon kay Cayetano.

“In addition, due to poverty, inadequate information or misconceptions (such as cancer is a death sentence, only adults can have cancer), lack of trained personnel on childhood cancer in primary health care facilities, inadequate childhood cancer specialty centers, many more children with cancer in our country remain undiagnosed and untreated.,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply