10 milyong nagugutom

SINO ang nagsasabi ng totoo?

Sinasabi ng isang sarbey ng Social Weather Station na nasa 10 milyon ang walang trabaho sa Pilipinas at masakit isiping kalahati nito ang nasa edad 18-24 na kalakasan ng lakas paggawa ng mamamayan.

Ayon naman sa gobyerno, gumaganda ang empleyo at hindi totoo ang nasa sarbey. Naglalaro lang umano ang walang trabaho sa nasa tatlong milyong katao.

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

Magkagayunman, sasabihin nating magkaiba kasi ang panukat ng SWS at ng pamahalaan sa problema.

Simple lang ang panukat ng SWS: kasama sa mga walang trabaho ang wala nito at ang mga naghahanap ngunit walang mahanap.

Ang gobyerno naman ay inaakusahang nagpapanatili ng minaniobrang sukatan ng nakaraang administrasyon upang magmukhang kokonte ang istambay.

oOo

Para sa atin, tila totoo ang lumabas sa sarbey ng SWS batay sa sarili nating sarbey sa mga dinarayo nating mga barangay.

Sandamukal talaga ang mga walang trabaho na pinasasama ang kalagayan ng mga kontraktuwal.

Ang mga kontraktuwal na nasa pitong milyon ay mas mahaba pa ang mga buwan ng kawalan nila ng trabaho kaysa ang pagkakaroon nito.

At alam ba ninyong mismo ang pamahalaan ay sangkot din sa malawakang kontraktuwalisasyon?

Pero ang higit na nasa isipan natin ay ang sikmura at kinabukasan ng mga istam-bay.

Pinakamasaklap, Suki, ang dinaranas na gutom ng mga ito.

Wala rin silang pampagamot kung sila’y nagkakasakit, wala silang pampaaral sa mga bata, walang pambayad ng kuryente, pambili ng tubig at napapalayas sa kanilang tirahan ang mga nangungupahan.

Tanggalan kaya natin ng trabaho ang mga onorabol para maramdaman nila ang pinag-uusapang ito?

Baka malimutan nila ang  magbilang ng mga istambay sa gutom. Pwe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply