10 payong pangkaligtasan sa pagmo-motor

1.) Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.

2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.

3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan na kumakambiyo ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsimplang ng motorsiklo.

4.) Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at siguraduhing may katamtaman kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal at baka magitgitan ka ng hindi mo inaasahan.

5.) Tingnan ang mga panganib na mayroon sa kalsada. Gaya ng basang kalsada, fluid spill o grasa, buhangin, graba, highway sealant, mga railroad tracks (riles ng tren o humps), butas gaya ng imburnal o manhole, at iba pang gaya nito na maaaring makaapekto ng iyong pagmamaneho. Magiging sanhi kasi ito ng iyong pagsemplang at aksidente.

6.) Hinay-hinay lang ang takbo kapag may kurba ang kalsada. Maaari kasing lumagpas ka sa kalsada o sa sentro ng linya at mabangga ng paparating na trapiko. Tingnan lagi ang dinaraanan, mabagal lamang ang takbo at piliin ang tamang posisyon ng linya bago pumasok sa kurbang linya

7.) Magsuot ng tamang helmet. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang head injuries sa 67 porsiyento ng pagkabangga at kaso ng pagkamatay naman ng 29 porsiyento. Siguraduhin na may sticker ang iyong helmet na nagpapakita na isa itong de kalidad na motorcycle gear. Iwasang bumili ng gamit nang helmet. Maaaring nagamit na iyon sa isang aksidente at pinsala nito ay hindi basta agad malalaman.

8.) Magsuot ng protective clothing na dinisenyo para talaga sa mga motorcycle riders. Ito’y nakakatulong upang proteksiyonan ka kapag nabangga. Pinoproteksiyunan ka rin nito sa maalinsangang panahon upang manatili kang komportable kahit maalinsangan o kahit na umuulan. Proteksiyon din ito sa mga bumabagsak na debris kung mayroon man habang binabagtas ang kalsada. Huwag magmaneho ng motor kapag suot mo lamang ay lightweight pants o slacks at shorts.

9.) Protektahan ang iyong mata at mukha. Ang hangin na nasasalubong habang nagmamaneho’y nagiging sanhi ng panunubig ng mga mata, mga lumilipad na insekto. Ang alikabok at debris ay nakakapinsala ng iyong mukha. Ang mabisang proteksyon dito ay ang pagsususot ng full faced helmet na may shield na tumatakip sa mukha.

10.) Magsuot ng bright o maliwanag na kasuotan. Maglagay din ng extra reflecting material dito o magsuot ng reflective vest. Bumili ng bright colored helmet at lagyan ito ng reflective tapes sa bawat kabila. Lagi rin dapat nakabukas ang iyong headlight. Magmaneho sa tamang linya sa gayun ay madali kang makita ng ibang motorista.

***

Gusto mo bang sumali sa PHLRC? Mag-text lang sa mga numero sa ibaba.

Requirements:

* Babae o lalaki

* May sariling motor,

* 100cc to 400cc.

* Xerox copy ng OR/CR  at driver’s license

* May trabaho

* 18-50 years old

For more info, mag-text sa numero sa ibaba kung saan lugar ka kabilang.
09184141717
Cavite, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Laguna, Batangas

09359257696
Pasay, Manila

09086055331
Quezon City,  Caloocan, Navotas,
Malabon, Bulacan

09184141717
Rizal, Pasig, Marikina, Taguig

09395109483
Caloocan North, Novaliches
/  Fairview North

09323132075
San Juan City

09085729710
Mandaluyong City

09151023307
Makati City

For more info, please visit our website: http://phlrc.tripod.com

NO MEMBERSHIP FEE!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply