Nai-award na proyekto ng DPWH umabot sa 59%

MAHIGIT 59 porsiyento na ang naibigay na kontrata ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bago matapos ang Enero.

Binigyan na ng “go signal” ang mga kwalipikadong contractor para sa 1,208 proyekto na kamakailan lang ay isinailalim sa prosesong “competitive public bidding.”

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio L. Singson, pinabilis na ang pagpapatupad ng mga proyekto kahit pa nagkaroon ng pagbabago ng mga proseso at mga reporma sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kabuuang 2,128 proyekto na nagkakahalaga ng P63.120 bilyon sa ilalim ng CY 2012 Infrastructure Program, may 1,862 proyekto ang mababa sa P50 milyon at 97 porsiyento sa mga kategoryang ito ay ipinaalam na sa publiko.

Iniulat din ni Singson na nakatipid ang DPWH ng P2 bilyon mula sa CY 2012 alokasyon na maaaring ipangtustos sa mga karagdagang proyekto dahil na rin sa resulta ng “open competitive bidding.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply