Malaya na raw tayo?!?

DAHIL sa EDSA Revolution 1, naging malaya na raw tayo.

Oo naman.

Sa parte ng mga mamamahayag na kinabibilangan natin, malaya na nga tayo.

Kahit ano ang sasabihin natin sa diyaryo, sa radyo, sa telebisyon, sa internet, oki lang.

Kaya lang, nasa ating mga sarili ang paglalagay sa lugar ng ating mga ipinahahayag.

At kung idinedemanda tayo ng libelo, rayt or rong man ang mga dahilan.

oOo

Pero malaya na nga ba tayo ayon sa ating inaasahan?

Kapain natin, Suki, ang nagaganap.

Simula noong 1986 na nagkaroon na raw tayo ng kalayaan sa pamamahayag, alam ba ninyong mahigit 170 na ang pinagpapapatay at pinagmamasaker sa ating hanay, kabilang na ang kulang-kulang sa 10 na dinale sa panahon ni PNoy?

Ang isang kakambal na malaking problema rito ay bibihira ang mga nadadakip na mga killer at lalong madalang ang pagtukoy at pagdakip sa mga utak ng mga pagpatay gaya ng kaso nina Doc Gerry Ortega at Marlene Esperat.

Op kors, mayroong mga napatunayan nang gilti sa mga pagpaslang.

Pero wala pa talagang pinal na desisyon mula sa Korte Suprema para masabing tunay na salarin ang mga sinasabi ng mga mababang hukuman na nagkasala.

Kaya bitin pa tayo sa mga usaping ito.

oOo

Ang malinaw, malaya nga tayong magbalita, pero mas matindi ang nagaganap.

Akalain ba natin na noong panahon ng diktadurya, isinasara lang ang ating mga diyaryo, radyo at telebisyon.

Makaraan ang EDSA 1, pinapatay tayo.

Anong klaseng kalayaan yan?

Isa pa, matagal na nating inaantay ang pagpapasa ng mga panukalang Freedom of Information sa Kongreso at pagdedekrimina-lays sa libelo na karagdagang tunay na tatak ng kalayaan sa pamamahayag.

Ngunit pinapatay rin ang mga ito. Bakit!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply