Lola kinatay, apo niluray ng mga magnanakaw

INIIMBESTIGAHAN pa ngayon ng pulisya kung nagahasa ang sugatang anim na taong gulang na babae, habang natagpuang patay naman ang lola nito na tadtad ng saksak sa katawan matapos looban ng mga adik na magnanakaw sa Cagayan de Oro City, sa ulat ng pulisya.

Sa report, pinasok ng mga magnanaakw ang tindahan ng mga biktima kaninang madaling-araw sa Barangay Lumbia, nasabing lungsod.

Kinilala ang namatay na si Dulcifina Minggo, 70, habang sugatan naman ang apo na si Adeth Binonggo, 6, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO1 Elmar Patindol ng Lumbia Police Station, hinihinalang sa likurang bahagi ng bahay ng mga biktima dumaan ang mga suspek kaya hindi namalayan ng dalawa ang pagpasok ng mga magnanakaw.

Lumalabas sa pagsisiyasat na posibleng nagahasa ang batang biktima dahil nakahubad na ito nang matagpuan ng awtoridad.

Hinala rin ng pulisya na posibleng nanlaban ang lola sa mga suspek nang makitang gagahasain ang kanyang apo dahilan kaya pinagsasaksak siya ng mga salarin ng mga basag na botelya.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung magkano ang perang natangay ng mga suspek mula sa tindahan ng mga biktima maliban lamang sa tatlong cellphone reloader.

Napag-alaman na mag-iilang buwan pa lamang na nangungupahan ang mga biktima sa nasabing bahay kaya hindi sila masyadong kilala ng mga kapitbahay.

Sa ngayon ay mayroon nang grupong sinusundan ang pulisya na pinaniwalaang may kinalaman sa krimen at kakilala lamang ng maglola.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply