12 OFW mula Syria balik-Pinas bukas

KARAGDAGANG 12 overseas Filipino worker (OFW) mula Syria ang nakatakdang dumating sa Pilipinas bukas ng hapon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, na inaasahang lumapag sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) ang mga OFW na pawang kababaihan bandang alas-4:15 ng hapon.

Ang mga OFW ay pumaloob sa ginawang sapilitang pagpapalikas para sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhang nagaganap sa Syria, dagdag pa ni Hernandez.

Umaabot na ngayon sa 973 mula sa kabuuang 2,000 manggagawang Pinoy sa Damascus ang naibalik at maibabalik na sa Pilipinas simula nang itaas noong Diisyembre 22, 2011 ng DFA sa alert level 4 ang sitwasyon sa Syria.

Sa kanilang pagbabalik, makakaasa ng tulong mula sa Overseas Workers’ Welfare Adminstration (OWWA) ang mga inilikas na OFW.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply