137 OFWs galing Syria dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang 37 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria kung na sinalubong ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina.

Alas-4:45 ng hapon nang lumapag ang eroplanong Etihad Airways flight EY424 sa NAIA, sakay ang OFWs na nagpasyang sunggaban ang mandatory repatriation program ng pamahalaan makaraang itaas sa alert level  4 ang krisis sa Syria noong Disyembre, nagdaang taon sanhi ng paglala ng kaguluhan.

Ayon kay OWWA Officer-in-Charge Josefino Torres, pinayagan ng kanilang mga employer ang OFWs na makauwi sa bansa matapos ang puspusang hakbang na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng OWWA, Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment.

Ang mga kinatawan ng OWWA ang nagbigay ng ayuda sa mga dumating na OFWs upang mapabilis ang proseso ng kanilang mga dokumento sa immigration at customs ng NAIA bago sila bibigyan ng kaukulang paalala kaugnay sa ibinabahaging integration program ng pamahalaan kabilang ang pagpapautang ng puhunan para sa plano nilang pagtatayo ng negosyo.

Kaugnay nito’y tiniyak ng OWWA na tuloy pa rin ang kanilang programang “Libreng Tawag sa Syria” para sa pamilya ng OFWs na nagnanais makausap ang kanilang mahal sa buhay na nasa naturan pa ring bansa at malaman ang kalagayan nila sa magulong bansa.

Bukas ang pasilidad ng OWWA sa punong tanggapan nito sa Pasay City para sa naturang programa at maging sa lahat ng regional offices sa ibang rehiyon sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply