14-anyos ginahasa, bago pinatay sa Laguna

TINUTUTUKAN na ng mga imbestigador ng Laguna PNP ang posibilidad na hinalay muna bago pinatay ang 14-anyos na high school student sa Los Baños, Laguna kanina.

Sa report na isinumite ni P/Supt. Dante Novicio, Los Baños police chief natagpuan ng mga residente ang bangkay sa madamong bahagi ng isang banana plantation sa Barangay Batong Malake bandang alas-9:30 ng umaga kanina.

Hinihinalang sinakal ang biktima ng suot niyang jogging pants na itinali ng hindi pa nakikilang suspek sa leeg ng dalagita.

Ayon kay Novicio, hiniling niyang isailalim sa medico legal examination ang bangkay upang makumpirma kung ginahasa ba ang biktima bago pinaslang dahil wala na rin itong suot na underwear nang makita.

Nabatid na ang biktima ay  second year student ng Batong Malake National High School at nagtitinda ng sampaguita para kumita ng extra money ayon sa mga kapitbahay nito.

Magugunitang nitong nakalipas na taon ay may isa ring mag-aaral mula sa University of the Philippines – Los Baños ang pinatay matapos halayin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply