15-anyos nagalit sa utos ng ama, nagbaril sa sarili

DEDO ang isang 15-anyos na binatilyo nang magbaril sa sarili matapos na makipagtalo sa kanyang ama dahil sa utos sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Kim Christian Gamba, out of school youth at residente ng 1635 F.Varona St.,Tondo, Maynila.

Ayon kay PO2 Jose Gumilan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:45 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng umaga habang natutulog ang binatilyo ay ginising ito ng kanyang ama na si Alberto Gamba upang utusan na sunduin sa paaralan ang nakababata nitong kapatid na si Christian James.

Lumabas ng kwarto ang galit na biktima hanggang sa nauwi sa nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok muli ang biktima sa kanyang kuwarto at maya hawak na sumpak.

Bago pa iputok ang sumpak sa kanyang dibdib ay tinawang pa ng biktima ang kanyang ama ng “papa” at kasunod na narinig ay ang alingaw-ngaw ng homemade gun.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang empty shell ng 12 gauges cartrilage at dalawang piraso ng metal pipes (sumpak).

Dinala ang labi ng biktima sa Lorenzo Funeral Parlor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply