16 lungsod nominado sa new7wonder cities

LABING-ANIM na lungsod sa Pilipinas ang ibinoto para mapasama sa Phase One ng New7Wonder Cities, ang ikatlong kampanya na inorganisa ng New7Wonders na siyang nagtanghal sa Puerto Princesa sa katatapos na  New7Wonders of Nature.

Pipili ang mga tao sa buong mundo ng mga lungsod na papasok sa susunod na bahagi ng kompetisyon sa pamamagitan ng pagboto sa website ng organisasyon at ito ay libre .

Ang mga nominado sa unang bahagi ng kompetisyon ay ang mga lungsod ng Parañaque, Manila, Bacolod, Cebu, General Santos, Vigan, Legaspi, Marikina, Makati, Quezon, Baguio, Davao, Iloilo, Zamboanga, Taguig at Tagaytay.

Sa Nomination phase (Enero 7–Marso 7), ang  global vote para sa New 7 Wonder Cities ay magsisimula  sa 1200+nominees mula  220+ countries sa buong mundo. Sa Qualification Phase (Marso 7–Nobyembre 23), mahigit 300 lungsod ang papasok  sa bahaging ito (one per country plus the top 77 voted). Sa Shortlist Phase (Nobyembre 23–Disyembre 6), mula sa top 77 , ang New & Wonders Cities Panel of Experts ay pag-uusapan ang pagpili ng  28 official finalist candidates. Sa finalist phase (Disyembre 7, 2012–Disyembre 6, 2013), magpapatuloy ang botohan sa tatlong bahagi. Ang opisyal na  New 7 Wonders Cities ay ihahayag sa Disyembre 7, 2013.

Bumoto na ngayon dahil ang deadline ay sa ika-7 ng Marso 2012. Pumunta lamang sa website at iboto ang lungsod na inyong nais: cities.new7wonders.com/form/nominate; 2) Hanapin ang 7 lungsod na inyong pipiliin. Kung buboto sa Paranaque ,click P at i-click ang Paranaque, kung Manila ay i-click ang M para lumabas ang Manila; i-enter ang characters at ibigay ang inyong e-mail address; i-click ang agree sa terms and conditions; at i-submit ang inyong entry.

Hikayatin  ang  inyong mga kamag-anak at kaibigan na nasa Pilipinas at  ibang bansa na bumoto sa mga lungsod ng Pilipinas upang manalo sa prestihiyosong kompetisyon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply